Tumgik
g1101hssblog · 3 years
Text
Maraming Buwan ang Lumipas
Mahigit ilang buwan din ang lumipas una sa lahat ako ay nagpapasalamat dahil ngayong pandemya marami akong natutunang aral.Inaamin ko na ako ay nahirapan marami mang pumasok na negatibo sa aking isipan patuloy ko itong pinagpapatuloy para sa kinabukasan nakakapanibagi din na mahirap magkaroon ng komunikasyon sa tao ngunit sa turo ng akin guro onti onti itong nababago.Ngayong pandemya onti onti akong natututo sa pamamalakad kung paano makibagay at napagtanto ko na mahirap kunin ang isang bagay kung walang patience at paghihirap dapat maging positibo tayo sa ating sarili na kahit mahirap ay kailangang abutin at makisabay sa bawat panahon na darating. Sa maraming buwan ng online class sa Komunikasyon At Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ito ang isa sa mga aking nagustuhan dahil bukod sa maraming tayong natutunan onti onti den tayong nag gogrow sa ating isipan dahil sa bawat turo ng ating guro nagiging masaya tayo habang may natutunan sa turo nya sya ay kakaiba sa ang akin.Tuwing KOMPAN ako ay ganado dahil nagiging positibo ang aking isip dahil sa bawat araw na nagkikita kami ng aming guro ako ay may bagong natutunan.Katulad na lang ng mga Diyalekto na di naman kapansinpansin noon ngunit nagbibigay ito ng kaalaman sa atin.Natutunan ko rin na bawat wika ay mahalaga at dapat igalang at wag talikuran dahil ito ay sariling atin.Natutunan ko din dito na maging responsable sa kahit ano mang bagay mahirap man ang sistema ngunit para sa kinabukasan ay kakayanin.Sa Maraming buwan lubos akong nagpapasalamat dahil binago ng asignaturang ito ang aking pag iisip sa buhay. Maraming Buwan ang Lumipas di ko aalisin ang mga turo ng aking guro at Maraming Buwan man ang lumips wag susuko sa mga bagay na ating gusto pagsikapan kung gusto nating makuha. -TEJADA BRYAN SETZER M.
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Text
PUGNA
Sa pagbubukas muli ng isang pahina, namulat ako sa mga bagay bagay, lalo na sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Sa maikling panahon marami akong natutunan, una na dito ang kagamitan ng wika, na mas lalo pang napalawak sa bidyo leksyon na ginawa ni Bb. Kat. Mas lalo akong nabuhayan na gamitin ang sariling wika di lamang sa pakikipagtalastasan, pati na rin sa paglikha ko ng aking mga obra sa larangan ng pagsusulat.
            Bilang estudyante, may mga bagay tayong sa palagay nating makatutulong, sa asignaturang ito, sa palagay ko’y nakatutulong ang pagsulong ng pambansang wika, lalo na’t nakararanas tayo ng pandemya. Nakatutulong ito sa paraang naipapahayag natin ang kahalagahan ng wika, ang sabi nga ang wika ang repleksyon ng isang bansang malaya, naipapakita nito ang pagtangkilik natin ‘di lamang sa ating wika, pati na rin an gating kalayaan.
            Ang bawat mag-aaral din ay may kani-kaniyang kahinaan, at ang saloobin ko ukol sa ating learning set-up, mahirap dahil ako’y may problema sa aking mata, nakakahilo rin minsan dahil masyadong tutok ang aking mata sa gadgets. Para sa’kin mas naipapaliwanag at mas natututunan ko ang isang asignatura pag nakikita ko harap harapan ang nagtuturo.
            Lahat ay nakararanas ng problema, lalo na sa pandemyang ito, kasama na rin ang pagkakaroon ng bagong paraan ng pagkatuto. Nakararanas ng bad connectivity, poor connection o di naman kaya’y walang sapat nap era para makapagload, dahil na rin sa problema sa trabaho ng magulang.
            Ang tangi ko lang na mairerekomenda ay ang pagiging matatag at wag basta susukuan ang pagkatuto, marami mang nagiging hadlang ngunit hindi ito sapat na rason para sukuan ang pangarap. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN. LABAN!
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Photo
Tumblr media
Mahigit ilang buwan ang lumipas lahat ng tao ay nakakulong sa sariling tahanan dala ng pandemya, madaming salik at problema man ang pagdaanan muli paring binuksan ang paaralan kahit na cellphone, laptop at iba pang gadgets ang kaharap patuloy ang mga estudyante sa pag angat nag sumikap ang bawat isa makasabay sa new normal na pag aaral kahit sobrang hirap at dagdag pa sa gastos mapagpatuloy lang ang pag aaral ang iba'y napilitan mag pakabit ng internet katulad ng magulang ko maibigay lamang ang magandang kalidad ng pag aaral at walang balakit na pag aaral, ang iba nama'y nag tiis sa load na minsan hindi pa umaabot ng isang linggo ubos na agad at ang iba nama'y nakipag sapalarang kumuha ng modyul sa paaralan na katumbas ay katakot takot na kaba kung ikaw ba ay nadapuan ng ng virus, dito palang sadyang kay dami na ng pinag bago ng mundo sa loob ng isang taon napilitang ikulong ang sarili maprotektahan lang ang sarili laban sa kalaban na hindi natin nakikita at ang nais nito ay pahinain ang resistensya. Kalabang hindi baril ang sandata kundi facemask at face shield ang dala.
Sa aking paglalakbay sa gitna ng pandemya, madami akong natutunan at napagnilayan. Habang ako'y patuloy na nag aaral, sa unang pag kakataon na mag aaral ako sa harap ng gadgets, akoy napaisip, makakaya ko bang makipagsabayan sakanila? Lalo na't bagong mga estudyante at guro ang aking makakasalamuha at hindi pangkaraniwang paaralan ang aking pinapasukan kundi unibersidad na napakaraming mag aaral. Makakaya ko bang matuto ng sarili ko lang sa pamamagitan ng pag babasa at pag intindi sa mga sekyon na nasa modyul?  Lalo na't kilala ko ang aking sarili na tamad at kinaaantukan ang pag babasa. Makakaya ko bang pumasa at maipasa ko ba ang lahay ng mga aktibidad sa tamang oras? Lalo na't mayroon akong inaalagaang mga pamangkin na alam kong hindi ako makakapag pokus sa aking pag aaral.
Sa lahat na katanungang nabuo sa isip ko habang akong nasa online class lahat ito'y nasagot. Unang linggo palang ng klase may groupo na agad ako ng kaibigan, araw araw nag uusap at nag uupdate kami sa isat isa tungkol sa mga modyul na hindi maintindihan ng isat isat. Sila ang pinakapinag papasalamat ko ngayon dahil handa silang tumulong at sila ang naging katuwang ko sa pag aaral. Nag papasalamat ako sa mga guro namin dahil sa gitna ng mahirap na kalagayan pinadali nila ang aming buhay, oo, madaming aktibidad ang kailangan ipasa ngunit maayos ko naman itong naipasa. Sa papamitan nito nag karaoon ako ng time management sa aking sarili sa umaga nag oonline class ako sa tanghali nag luluto, tas sasamahan kong mag online class yung pamangkin ko habang nag sasagot kami ng modyul nya, mag luluto ulit para sa hapunan at pag natapos na lahat tsaka naman ako mag kakaroon ng oras sa pag sagot ng mga modyul ganito ang naging araw araw kong gawain sa loob ng ilang buwan. 
Sa lahat ng ito na pinag daanan ng mga studyante patuloy ang pag katuto, Masaya ako na matatapos na ang unang semestre at natutuwa ako sa aking sarili dahil kinaya kong matuto sa dami ng balakid na dumating sa atin kinaya kong maipasa lahat ng mga aktibidad na pinapagawa at lahat yun ay binigyan ko ng pansin. At sa nga bagong natutunan ko lalo na sa kompan masaya ako dahil may natutunan ako kahit papaano at hindi nasayang ang taon na makapag aral kami. Kaya sa lahat ng katulad ko binabati ko kayo! Ipag patuloy lang nating matuto! At magbigay ng aral sa iba! Pandayon! Grade 11-01HUMSS
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Photo
Tumblr media
Sa limang buwan ko sa bagong paraan o pamamalakad ng edukasyon, inaamin kong ako ay nahirapan at inakalang hindi na masasanay. Maraming bagay ang nagbago- nagatibo man o positibo, at halos pawala na rin ang tiyansa na ang lahat ay bumalik sa dati. Matapos man ang pandemya ay hindi mawawala ang takot at pangamba sa mga tao. Sa limang buwan ko sa bagong paraan o pamamalakad ng edukasyon, inaamin kong ako ay ilang beses na nagdalawang-isip. Hindi alam kung paano matututo sa isang sistemang hindi ko kinasanayan. Hindi alam kung paano makikipag-usap sa mga taong hindi ko kilala at hindi nakikita. Hindi alam kung saan huhugot ng motibasyon upang magpatuloy. Sa limang buwan ko sa bagong paraan o pamamalakad ng edukasyon, ako ay natuto ring umabante at makibagay. Napagtantong ito ang realidad na kailangan kong tanggapin at magpatuloy na lamang sa buhay. Unti-unting nakisabay sa agos ng panahon at pagbabago. 
  Sa limang buwan ko sa online class, ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino o KomPan ang isa sa mga asignaturang gustong-gusto kong pasukan. Hindi lamang dahil sa marami akong natututunan, kung hindi sa kadahilanang ang paraang ng pagtuturo ng aming guro ay kakaiba, idagdag pa na siya ay may konsiderasyon, mapagbigay, at iniisip ang aming kapakanan. Magaan palagi ang aking pakiramdam at hindi mawawala ang kasiyahan sa tuwing siya ay nagpapalaro. Kung ang asignatura naman ang pag-uusapan, maraming bagay akong nalaman. Ang iba’t-ibang dayalekto na hindi ko naman masyadong binibigyang pansin noon, at mga gamit ng wika at uri nito. Malaking tulong din ang mga aktibidad na aming ginagawa, marami man ito ay madali ay nakakatuwa silang gawin. Tinuruan ako ng KomPan na maging responsable lalo na sa mga gawain. Mahirap mang makasanayan ang bagong sistema at lahat ay nahihirapan, nailabas pa rin ng asignaturang ito ang pagiging malikhain ko at ng aking mga kamag-aral. Ang limang buwan na ito ang saksi ng pag-aadjust ng lahat at ng aking pangangapa sa mga bagay. Marami akong natutunan sa unang semestre, hindi lamang sa klase kung hindi na rin sa buhay. Ito ay naging instrumento upang ako ay mas maging handa para sa mga susunod na kaganapan.
  Limang buwan pa lamang ang lumilipas at maraming buwan pa ang darating, aabot man ng maraming taon o hindi, maraming bagay ang patuloy na magbabago. Ang nakikita natin ngayon ay ang itsura ng kasalukuyan at hindi natin ito matatakasan.
- Bundalian, Cofhe
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Text
"kayang labanan para pangarap ay makamtan"
 Marami akog natutunan sa semestreng ito at matututunan pa sa susunod na semestre, Bago ko ito simula ako ay magpapasalamat sa aming guro na walang sawang gabayan kami sa semestre na ito at alam naman natin na napakahirap ng taon na ito. Ngayon akoy magsisimula na at ilahad lahad ng aking natutunan at iba pang mga katanungan.
And wika o pakikipagtalastasan ay isang pamamaraan upang maipahayag natin ang ating damdamin, ideya at iba pa. Ang ating wika ay mananatiling buhay magpakailanman at hanggang sa kasalukuyan  patuloy pa rin itong lumalago at nagbabago. Patunay na  pinapahalagahan natin ang wika.
 Sa panahon ngayon ng pandemya, lahat ng tao ay nawalan ng trabaho  at natigil ag paggalaw ng mundo at pinagbawal lahat ng pagaalis ng bahay lumabas na hindi naman kailanagn dahil baka mahawaan ng sakit at mabilis itong kumalat. Maayos at mabuting kuneksyon ng internet  upang ang bawat pamilya na malayo sa mga kamaganak nila ay makausap at makipagkomunikasyon sa iba. kuneksyon ang gamit naming mga estudyante upang magakapag aral sa panahon ng pandemya sa una ay mahirap samin dahil naninibago kami sa panibagong kabanata naming mga estudyante ngunit kami ay lumaban at at handang matuto sa mga tinuturo ng aming mga guro tulad ni bb. kat na walag sawang gumagabay para kami ay matuto.
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Photo
Tumblr media
Napakarami ng pagbabago sa taong 2020. Sa pandemyang ating patuloy na nararanasan, at pati na rin ang paglipat ko sa paaralang ito para sa ninanais kong pagbabago sa personal na buhay. Ang hirap para sa akin ay ang pagtanggap at pagkilos na naaayon sa sitwasyong tayo'y napaharap. Idagdag pa sa pagkasira ng aking kagustuhan mangyari, tila inasahan ko rin naman na mangyayari ito. Hirap man ay nararamdaman,kahit ano pa yan, kaya man o hinde ay dapat hindi ipagsawalang-bahala ng sino man. Sa tulong ng isa't-isa ay sana makamit natin ang mas magandang panahon.
Kasalakuyan, napakahalaga ng mga gadgets, WI-FI, data, at internet upang makapag-aral at makapagpasa ng mga kinakailangang gawain. Pansin ko, kahit Modular-learning ay hindi maiiwasan ang kahalagahan ng mga kakabanggit ko lamang. Para sa pagkatuto ay tayo ay lumalaban. Ninanais ko tayo ay umunlad at ang ating kapiligiran.
Sa kapaligiran ay rinig, kita, at ramdam ang wikang Filipino. Sa bahay, klase, o kahit saan man ay may taglay na komunikasyon. Dahil dito, ako ay nagpapasalamat na mayroong kurso na "Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino." Mga kaalaman na ngayon ay nabigyan ng ngalan tulad ni Sosyolek Idyolek na karaniwang nating nakakaharap. Bukod pa rito, ang kurso at ang guro ay nagdulot sa akin upang mapaisip ng mas malalim at mapalawak ang kaalaman sa iba't-iba pang paksa. Makakabuti ba sa atin ang patuloy na paggamit ng bilingguwalismo sa pag-aaral at pagtuturo? Bagkus ay nabuksan ang isipan ko sa iba't-ibang isyu at sitwasyon mayroon ang Pilipinas. Ano pa ba ang iba't-ibang uri at gamit ng wika? Rito, kung nais man maging manunulat ay higit na maitataas ang kakayahan. At huli kong babanggitin ay ang paborito kong paksa na "Mga Isyung Pangwika sa Pilipinas." Dito nasagot ang dami kong tanong tulad ng "Bakit nga ba hindi magamit ang wikang Filipino sa lahat ng asignatura?" Parang kababalaghan ang pagkatuto sa unang pagkakataon, may nalikhang buhay sa wala.
Sa aking pagtatapos, ubod akong nagpapasalamat sa aking guro at mga kaklase para sa kursong ito. Marami akong natutunan na tinuturi ko itong napakahalaga sa pagkahusay ng aking mga kakayahan at kaalaman. Bagkus, ninanais ko pa na magkita tayo ng mas madalas. Tuwing may pagkikita sa online class ay inaasahan ko ito dahil masaya ang mga palaro na ipinapamahagi ng guro. Umaasa ako sa isang pang semester na puno ng kaalaman!
Buwenas sa ating lahat!
- Matthew Cedrick F. Nueva
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Photo
Tumblr media
Ang mga kaganapan ngayon ay talagang hindi inaasahan ng lahat lalo na ng gobyerno dahil walang mga kaukulang batas para sa mga ganitong uri ng pandemya ngunit alam naman na ng lahat na may "covid-19" na sa ibang bansa kung ipinatupad agad ang "travel ban" sana'y natigil pa at hindi na kumalat sa ating bansa. Ang kautusan na huwag lumabas o may limitasyon lang ang pwedeng lumabas ay hindi sapat na solusyon sapagkat kahit ang mga taong hindi nakalalabas ay nagkakaroon pa rin ng sakit. Isa sa mga naipatupad ay ang bagong paraan ng pagtuturo na ginagamitan ng teknolohiya . 
Sa totoo lang lahat ay nahihirapan tila lahat ay naninibago sa ganitong paraan pero wala naman tayong ibang pagpipilian. Para sa akin ang ganitong paraan ay mas nakatulong dahil mas maraming nabubuong tanong sa aking isipan na nagiging dahilan ng pagkatuto na hindi lang nakabase sa mga leksyon na ginagamit ng guro. 
Maraming nahihirapan pero dapat kayanin. Hindi lahat ay pabor dito subalit kahit papano mas naging produktibo ang halos lahat halimbawa na lamang ay ang pagalis ng maaga upang magabang ng masasakyan, nasasayang ang oras ngunit sa bagong paraan ay may nagagawa pang ibang bagay, hindi na rin gagastos para sa pamasahe at pagkain dahil nasa loob na lamang ng tahanan ito ay sa akin lamang mas marami pa ring nahihirapan kaya't mas maganda kung ibalik na ang dating paraan. 
Ang aking rekomendasyon ay sana'y mas magkaroon pa ng malawak na pangunawa ang bawat guro sa kahit anong asignatura gaya ni Teacher Kat gayon din sa mga estudyante.
-FAJARDO, ALEXSANDRA ANGELA C. 
G11-01 HSS
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Photo
Tumblr media
Napakahirap ang maging matatag sa panahon ngayon, pero kinakailangan natin itong gawin upang maging lakas tayo ng kahit na sinong nangangailangan ng kakapitan. Hindi kailanman masisira ng pandemya ang dugo ng pagiging isang makabayan ko, taglay ko ang wikang Filipino, isa akong Pilipino. Nagtataglay ang bayan ko ng napakaraming dayalekto, marapat itong  ipagmalaki at gamitin upang harapin at makamit ang tunay na pagbabago. Kailanman ay hindi masisira ng isang pandemya ang pangarap na aking binuo sa bayang kinagisnan, ang Pilipinas.
  Ang bansang pilipinas ay nagtataglay ng napakaraming dayalekto, mayron itong pagkakaiba-iba na siyang magagamit upang maging daan sa ating pagkakaisa. Hindi biro ang naging leksyon sa asignaturang ito sapagkat nakakalito ang bilinggwalismo at multilinggwalismo, ang perspektibo ng bawat tao ay magkakaiba kung kaya't maaaring magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Gayunpaman, Kung ito ay matututunan, paniguradong ito ay magiging tanglaw sa pagkakaisa lalo na sa panahon ngayon.
  Marahil ang lahat ay nahihirapan sa panibagong dagok na kinahaharap ng bansa. Gayunpaman, kinakailangan natin magkapit kamay sapagkat darating ang panahon at oras na ito ay matatapos. Oo at mahirap ang online classes ngunit hindi lang naman tayo ang nahihirapan sa ganitong pagkakataon. Lahat tayo ay napapagod at gusto na rin matapos ang ganitong hirap ngunit sa ngayon, maghintay at sumunod lamang sa patakaran ang ating magagawa. Magagamit natin ang ating natutunan dahil kailangan natin magbasa at umunawa pa.
  Totoong mahirap ang naging sistema magmula noong pagputok ng COVID-19 ngunit hindi rin maitatanggi na tayo ay nagkaroon ng panibagong aral sa buhay. Ito ay ang pahalagahan ang kahit na sino at kahit na ano habang ito ay naririto pa. Marahil tayo ay sinusubok ng pagkakataon at inaalam ang ating lakas. Nagpatuloy pa ang suliranin noong mapagdesisyunan ng kagawaran ng edukasyon na ipagpatuloy ang klase kumpara sa paghinto nito, mawalan ng trabaho ang ating mga mamamayan at sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin.
  Sa patuloy na pagharap ng walang katapusang pagsubok. Palagi nating alalahanin na may bukas na naghihintay sa atin, Marami akong natutunan sa taong ito gayon na rin sa asignaturang ito. Nawa ay mapagyabong nito ang kaalaman ng kahit na sinong mag-aaral. Ang tanging hangad ko lang sa susunod na semestre na ay mas marami pa kong bagay na malaman. Hindi ko kailanman kinahiya ang pagiging isang Pilipino, bagkus ay gumawa ako ng ilang mga paraan upang mas maging tanyag ang bayan ko.
  - Rosil, Ronna Jean A.
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Photo
Tumblr media
"Kung ang iba ay hindi naniniwala sayo, Kahit sana ang sarili ay pagkatiwalaan mo"
  Sa ating Sistema na tinatahak ngayon patuloy na inuunawa ang mga nangyayari. Sa kabila ng lahat kahit na tayo ay nag-aaral lamang saating mga bahay at kaharap ang mga gadgets habang nag-aaral madami pa din naman kaming natututunan. Salamat sa aming mga guro na naghihirap at nagsusumikap na ipaunawa ang mga kaniyang dapat ituro saamin. Sa asignatura na ito madami kaming bagong nakalap na mga impomasyon tungkol sa ating mga lenggwahe. Hindi lamang ang sariling lenggwahe kung hindi pati na din lenggwahe ng iba’t ibang bansa at paano makipag komunika ng maayos. Natututunan din natin  ang malalalim na kahulugan o ibig sabihin ng mga salita na ating binabanggit. Lagi din ipinapaalala sa asignatura na ito na huwag na huwag natin makakalimutan ang kung ano nga ba talaga ang sariling wika natin. Lagi din maaalala sa asignatura na ito ang sabi ng ating bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda ay “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, Daig pa ang hayop at malansang isda”.
  Ang pinakanakatulong saakin bilang isang estudyante lalo na sa pandemya ay ang pakikipag komunika ng naayon sa kausap. Alam naman nating lahat na bihira na lang tayo makapag usap ng personal dahil sa sitwasyon ngayon kaya naman nakakatulong pa din ang mga naituro ng aming guro ngayon katulad na lamang ng pakikipag usap sa iabng lenggwahe. Laganap ang mga apps na kung saan may makakusap ka na hindi mo kakilala at kung minsan ito’y sa ibang bansa. Nakakatuwa lamang na nakakapag komunika tayo ng maayos dahil natututo tayo p nanggagaling ang ating kaalaman sa asignatura na ito. Hindi lamang praktikal ang itinuturo dito kung hindi paano na din kami makaka buo nang interaksyon sa mga tao na nakapaligid saamin.
   Ako’y didiretso na sa aking saloobin para sa akin ang learning set-up na nangyari ngayon ay sobrang hirap nung una pa lang. Hindi kami o ako nasanay sa ganitong set-up kaya sobrang hirap na dumating sa punto na ako ay umiiyak lagi at nagkaroon ng anxiety dahil kinukuwestiyon ang aking sarili na kung kakayanin ko ba ang ganitong set-up. Malapit na ako bumigay at hindi ipagpatuloy ang school year na ito at hihintayin na lamang na matapos ang pandemya at doon bumalik sa pag-aaral dahil sobrang hirap na nga ako. Mahirap saakin dahil ako ang panganay saamin at madalas na wala ang aking mga magulang at naiiwan saakin ang bata kong kapatid at ako pa ang nag-aalaga kaya hirap ako dahil hindi ko alam kung anoa king uunahin sa set-up na nangyari. Nagpapasalaamat na lang din ako sa diyos dahil hindi niya ako hinayaan sumuko kung hindi ako’y kaniyang sinamahan para ipagpatuloy ang aking laban. Nagpapasalamat din ako sa mga guro na tumulong sa amin o sa akin na makayanan ang semstre na ito kung hindi sa malaking pasensya at malaking pagunawa nila baka ngayon ay tumigil na ako. Sobrang madaming aral ang mapupulot mo sa ngayong learning set-up at hanggang pagtanda ay madadala 'ko ang mga disiplina na natutunan ko at ibang kaugalian na nabago 'ko.
  Sabi 'ko nga sa nauna na sanaysay ang problema talaga na nakaharap 'ko ay ang aking anxiety dahil nga sa sitwasyon na ito hindi ako maayos na nakikipag interaksyon sa mga tao na malapit saakin at nakakausap lamang sila sa pamamagitan ng gadgets. Sobrang hirap sa akin na kahit gusto 'ko maglabas ng saloobin 'ko sa magulang 'ko ay hindi 'ko maggawa dahil hindi ako open sa kanila hindi ako nagpapakita na umiiyak ako dahil sa aking nararansan talagang ang paraan 'ko lamang dati na kapag masyado na akong maraming iniisip ay nakikipagkita sa aking mga kaibigan at lalabas at makikipagkuwentuhan ngunit ngayon ay hindi na naming maggawa dahil sa pandemya. Mahirap na lagi ka lang nasa bahay dahil lalo ako nakakapagisip ng kung ano ano pero mabuti na lamang nung mga nakaraan ay nakahanap kami ng paglilibangan o paraan paano ako makakatakas saaking anxiety. Nagpapasalamat pa din ako na kahit ganon ang aking mga naramdman nung mga nakaraan ay hindi pa din nakakalimot ang diyos na pabutihin ang aking kalagayan.
  Sa tutuusin wala naman na akong rekomendasyon dahil ang mga guro naming ay marunong umintindi at nagsisikap din na ipaintindi saamin ang mga nangyayari ngunit gusto na talaga naming na matapos na ang pandemya na ito at makabalik na ang lahat sa normal. Sana lahat ay magkita kita na lalo na ngayon  na mababago daw ang aming mga guro sa susunod na semestre na sana ay aming nakasalamuha bago magkaroon uli kami ng mga bagong guro. Ayun lamang at lagi nating tatandaan na lahat ng ating paghihirap ay kapalit na kasiyahan. Lahat tayo ay magtiwala sa diyos na maibabalik din niya ang lahat sa ayos. Lagi nating tatandaan na hindi siya nakakalimot  at huwag magalit sa kaniya dahil sa nangyayari satin ngayon kasi siguro tayo ay kaniyang sinusubukan lamang o lalong pinapatatag para sa susunod na ating laban ay tayo’y hindi na mahirapan.
-Kirsten Denise V. Guevara
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Photo
Tumblr media
maraming nagbago simula nung dumating ang pandemyang ito mga nakagawiang bagay ay hindi na basta basta magagawa lahat ay naapektuhan at nahirapan ating sitwasyon ay lumalala at tila ba saya sa ating mukha ay nawala para sa akin ang ating kalagayan ay hindi maganda ngunit ito'y kasiyahan sa iba dahil nabuklod nito ang kanilang pamilya komunikasyon sa ating ibang kapamilya at kapwa ay malabo na pati ang paaralan na dating pangalawang tahanan ay sarado na mga estudyante tulad ko ay nahihirapan dahil hindi ito ang ating sistemang nakasanayan walang magawa kundi sumunod at magpatuloy sa bagong kinagawian para na ren sa ating kinabukasan. Ngunit marami akong natutunan kahit ganto ang ating kalagayan wika para sa akin ay hindi na lamang salita wika ay maraming kahulugan at makabuluhan napakalaki ng naitulong ng paksang komunikasyon at pananaliksik para sa akin dahil napalawak nito ang aking pananaw sa simpleng wika na makapangyarihan at mahalagang mapagaralan. bagong sistema ay nakasanayan na kaya’t akoy narito nagtatyagang matuto para madagdagan ang kaalaman ko di man ito tulad ng nakasanayan ko na harap harapang nagtuturo ang guro, na masayang katabi ang kaklase ko na marami man itong pinagkaiba sa ating nakasanayan ngunit itong sistema ay mahalaga na.
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Photo
Tumblr media
TANGLAW SA GABI
Isa ang Filipino sa mga asignaturang paborito ko noon pa lamang. Siguro ay dahil mahilig akong magbasa at nagsusulat din ako ng mga tula kaya noong nalaman ko na mayroon kaming asignatura na “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino” ay labis akong natuwa dahil ang sakop ng mga aralin ay tungkol sa wikang Filipino at panitikan. Noong pinag-aralan namin ang kasaysayan ng wika at iba’t ibang teorya na iminungkahi ng mga lingguwistiko tungkol sa tungkulin at paggamit ng wika, roon ko lamang napagtanto na “Ah! Malalim rin pala talaga ang pag-aaral tungkol sa wika.” Hindi lamang ito isinasalita at ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Bagkus, isa itong identidad natin bilang mamamayan ng isang bansa. Na isa itong simbolo ng kasaysayan at proseso ng wika nating nahubog dahil sa mga tao na ipinaglaban ang kahalagahan nito.
Kung pag-uusapan lang din ang wika at komunikasyon, naging masaya at kawili-wili ang bawat klase namin sa nasabing asignatura. Mayroong mga palaro at pa-premyo. Kung paano nakikipag-interak ang aming guro ay masigla at nakakahawa ang kaniyang ngiti. Nag-aaral kami at nagkakatuwaan din kaya ayos lang kahit na hindi pa ako nananalo sa isa sa mga palaro ni Miss Kat. Mahigit isang oras lamang nagtatagal ang klase namin at madalang pa na synchronous kami, ngunit sa maiikling oras na ‘yon kahit papaano ay nakakatanggal ng pagod at nakakalimutan ko na mayroon akong pino-problema. Dahil sa totoo lang, hindi talaga madali ang mag-aral sa isang learning set-up na hindi mo nakasanayan. Minsan pakiramdam ko ay nag-iisa ako at ang tanging naiisip ko na lamang ay ang pagpapasa ng mga gawain. Patapos pa lamang ang unang semestre ngunit pakiramdam ko ay sobrang dami na ang nangyari at mahabang panahon na ang nakalilipas.
Kung mayroon man akong napagtanto, iyon ay dapat mas gawin nating makabuluhan ang bawat araw na dumaraan. Naisip ko na marami tayong oras para sa problema kaya maglaan din tayo ng oras para sa paghihinga. Magbasa, magsulat, matuto, makinig ng mga kanta, makipag-usap sa mga mahal sa buhay, at magpasalamat sa bawat araw na ipinagkaloob sa atin. Gawin mo ang mga bagay na sa tingin mo ay makakatulong para sa iyong pisikal na kalusugan at mental health dahil kailangan mo ring huminga upang makapagpatuloy. Pahalagahan natin ang mga maliliit na bagay, mga ngiti at tawang natatanggap at naibibigay, mga pagsubok na nalagpasan, at ang ating mga sarili na patuloy na lumalaban. Ito ang magsisilbing buwan at mga bituin sa ating gabi na akala natin ay wala nang katapusan. Hindi ko na masyadong pinalungkot ang blog ko dahil gusto ko mabigyan kayo ng motibasyon kahit papaano. Hindi rin ako marunong magpatawa kaya dito ko na tatapusin.
“Ikaw ang ilaw sa dilim, at ang liwanag ng mga bituin” - Bulong, December Avenue
– Yumiko Adriana T. Yamzon
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Text
CHALLENGES ARE THE KEY TO OUR SUCCESS
Nung nagsimula na muli ang klase hinanda ko ang sarili ko sa muling pagsubok na aking kakaharapin dahil alam kong hindi magiging madali ang lahat dahil sa bagong patakaran na ipinatupad.Nagsimula ang online class ng magkaroon ng pandemya sa ating bansa hindi ito naging madali sa lahat lalo na sa mga estudyanteng walang sapat na kakayahan para dito,ngunit sinubukan parin nilagawan ng paraan upang makapag-aral.
Para sakin ang lahat ng pagsubok na dumarating ay nagpapatatag ng aking kalooban dahil sinusubok o pinapakita nito ang kakayahan at kahinaan mo sa buhay gayunpaman hindi hadlang ang pagsubok upang bumitaw o huminto tayo sa pag abot ng ating pangarap. Ang mga pagsubok na dumadating ay parte na ng ating buhay na kailangan mong harapin upang makamit mo ang gusto mo.
"Hindi natin kailangan takasan o iwasan ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay sapagkat ito rin ang magdadala satin sa tagumpay."
- Carla Mae Cortez
Grade 11-01 HSS
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Photo
Tumblr media
First time ko palang makaranas ng ganitong set-up, mahirap siya sa totoo lang. Madami akong napagdaanan na problema dito sa online class na ito, lalo na noong buwan palang ng Oktubre. Noong una, kahit kaunti palang ang pinapagawang aktibidad at asignatura naiistress na ako. Ngayong Grade 11 na ako, naninibago ako sa mga subjects na tinuturo saamin lalo na nung una hindi talaga HUMSS ang pinili ko, Healthcare STEM talaga kaso ang baba ng grado ko sa Math at Science kaya napilitan ako mag HUMSS. Pero, natutunan ko rin na mahalin ang HUMSS dahill napag isipan ko din na baka sa HUMSS ako nararapat dahil sa kakayahan ko. Naalala ko pa nga siguro noong katapusan yun ng Oktubre o siguro mga Nobyemre na din yun. Sa sobrang stress at pressure na naramdaman ko nakaramdam ako ng iba’t ibang sakit katulad ng pagkahilo, tapos maaga pa yung klase namin kaya ayun napilitan akong magpaliban muna ng klase kasi grabe yung hilo naramdaman ko noong araw na iyon. Pero ngayon, unti-unti narin naman ako nasasanay sa ganitong sistema.
Noong Oktubre din sumali ako sa isang organisasyon sa UMak, The Language Consortium ang pangalan. First time ko pong sumali sa ganitong organisasyon noong grade 8 palang po kasi ako isang maliit na club lang po yung nasalihan ko. Masaya po siya kasi una sa lahat yung adviser namin sa tlc napaka carefree ang sarap po niyang kasama tsaka yung tono po nung pagsasalita niya ay magaan lang hindi ko maexplain pero parang ganun hehe. Pangalawa, gusto ko yung mga events na ginagawa ng tlc katulad po noong sabado (Pebrero 6, 2021) nagpa-impromptu contest po sila. Ang saya lang po at the same time may natutunan din ako. Noong sabado ko lang rin po nalaman na isa pala akong director jusko hindi ko yun inexpect kasi nung sumali ako sa tlc hindi naman ako nag apply para sa directors, sumali lang po ako para maging miyembro at para maging parte ng organisasyon.
Ayun lamang po ang saya ko lang ngayong buwan na ito. Sana tuloy tuloy na ito kahit alam kong hindi mangyayari yun. Hinihiling ko nalang na sana sa susunod na semestre at sa susunod na taon pasado ako sa lahat ng kurso, hindi lamang ako pati mga kaklasmate ko rin. Hinihiling ko rin na sana alagaan rin nila ang kanilang kalusugan lalo na sa panahon ngayon. Huwag sila gumaya saakin charot.
Madami akong naging problema na naranasan nitong mga nakaraang buwan. Ang hina ng connection ko kaya ang resulta ay minsan putol putol minsan naman bigla nalang walang magsasalita sa google meet at pagkatapos bigla nalang akong mawawala sa meet lalo na pag oras ng klase ko sa PerDev. Pero ako ay natutuwa kasi kahit na mahina internet ko hindi ito balakid para hindi na ako makapagpasa ng mga requirements o ng mga aktibidad. Nakakapagpasa parin ako on time. Noong nalaman ko yung midterm grade ko sa mga piling subject ang laki ng tuwa ko kasi ang tataas nila. Parang gusto ko nalang mag online class nalang biro lang ayaw ko. Buti nalang talaga hindi ako nag modular kasi baka tuluyan na akong mangiyak. Ang hirap pa naman ng pinag aaralan namin sa math nahihirapan akong magsolve, para saakin kasi mahina ako pagdating sa mga solving haha buti nalang talaga hindi ako napunta sa STEM. Sana ol kasi magaling sa math.
Naging problema ko rin yung kakulangan sa gadgets, Noong oktubre wala pa akong laptop noon kaya nahihirapan pa akong gumawa ng mga aktibidad. Hindi pa ako sanay na gumawa ng mga aktibidad o ng mga takdang aralin sa cellphone. Pero okay naman ako ngayon kasi nakabili na si papa ng laptop, hindi pala binili inutang pala. Isa din sa mga problema ko yung pagiging mahiyain ko jusko nag onine na lahat lahat mahiyain parin ako tapos yung HUMSS pa yung strand ko. Pero ngayon sa tingin ko medyo umuusad naman na ako.
Sa kalagitnaan ng semestre, noong naghasik si bagyong rolly at ullyses, medyo nakaramdam ako ng saya kasi suspendido ang klase, ang sama ko pala. Akala ko malaking ginhawa yun saakin, ayun pala kabaligtaran. Naghahabol kami sa leksyon at ang daming aktibidad na pinapagawa at masaya ako kasi napasa ko yun on time. Kahit ngayong finals talaga ang mas madami ang pinapagawa pero kaya ko parin siya. Kaunting tiis nalang, malapit na sembreak hehe hindi na nga ako makapaghintay.
"Lahat ng problema natin ay siguradong ating malalagpasan dahil isa itong pagsubok sa ating buhay para tayo'y maging matapang."
- Jasmine Claire F. Cobilla
Grade 11-01HSS
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Text
Tumblr media
Mas napalawak ang kaalaman ko tungkol sa wika, nalaman ko din Kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng wika. Nalaman ko din na may dalawang uri ng wika ang pormal at impormal. At may ibat-ibang uri ang impormal ang dayalekto, lalawiganin, kolokyal, lingua franca, balbal at bulgar. At marami pang ibang aralin ang aking nalaman at naintindihan. Ang wika ang pinakamahalaga sa lahat dahil nagkakaroon ng pagkakaunawaan o komunikasyon sa pamamagitan ng wika.
Nakatulong na mapalawak ang aking kaalaman tungkol sa wika. Lalo na ngayong panahong ito. Mahalaga ang pakikipag komunikasyon sa panahong ito, ngunit ang pakikipag komunikasyon at ginagawa na sa pamamagitan ng gadgets. Hindi katulad dati na sa personal nakikipag komunikasyon o pakikipag usap.
Masaya ako na may halong lungkot. Masaya ako dahil natapos Ang semestreng ito sa pamamagitan ng online learning. Kahit na online learning ang pag-aaral ngayon ay madami pa rin akong natutunan sa mga aralin. Malungkot dahil hindi na katulad ng dati na kailangan pumasok sa paaralan upang mag-aral. Mas maganda pa din kase kung sa paaralan ginaganap ang klase. Dahil ngayon gadgets ang ginagamit.
Isa na rito ang internet connection, di tulad ng iba na malakas ang internet connection dahil gamit nila at wifi. Ako ang ginagamit ko ay data at nagloload ako linggo-linggo. Mahirap sa umpisa Ang online learning ngunit kapag ikaw at nasanay na mas madali na ito para sayo.
Sana mas maging maayos na ang lahat. Sana mas maging maayos na din ang aking internet connection. At sana mas mapadali na ang mga gawain na ibibigay ng mga magiging guro namin. At sana lahat ng kaklase ko ay matapos at magawa ang lahat ng mga gawain sa tamang oras at araw. Sana matapos na din ang pandemyang ito upang bumalik na sa normal ang lahat.
"Malalagpasan natin lahat ng ito, magtiwala lang tayo sa kakahayan natin at sa ating sarili."
KAYAAAA NATINNNNN TOHHHHHH!!!!!
♡♡ PANGAN, JHOVEL JOY G.
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Photo
Tumblr media
Ang wika o pakikipagtalastasan ay isang pamamaraan upang maihayag ang ating damdamin, kaisipan, ideya, opinyon o suhestiyon. Ang wika ay buhay sapagkat sa mga nakalipas na panahon at hanggang sa kasalukuyan patuloy itong lumalago at nagbabago. Patunay ito na pinapahalagahan natin ang wika dahil binibigyan natin ito ng pansin tulad na lamang ng mga bagong termino sa pananalita upang mas maging epektibo ang pakikipagtalastasan at komunikasyon sa iba.
Sinubok man tayo ng pandemya, marami pa ring paraan ang naipatupad upang patuloy pa rin na mahasa tayo sa mga makabagong pamamaraan ng pagkatuto at pakikipag-komunikasyon mula sa makabagong teknolohiya. Bilang mag-aaral na nasa pamamaraang online learning ay mas lalo kong napahalagahan ang iba-ibang paraan ng komunikasyon tulad ng iba’t - ibang platform ng pakikipag-ugnayan upang patuloy ako na magkaroon ng koneksyon at komunikasyon sa aking mga guro at kamag-aral, kung saan mahirap man ngunit kailangan nating yakapin upang umusad tayo lalo na ngayong new normal sa panahon ng pandemya. Dahil sa online distance learning nagkaroon din tayo ng mga agam-agam, suliranin na kinahirap, maraming mga tanong sa ating kaisipan kung kaya ba nating makapag-patuloy sa ganitong paraan ngunit atin ding napagtanto na kaya pala nating lampasan ang alin mang suliranin, kailangan lamang natin magkaroon ng dedikasyon at patuloy na maging positibo ang pananaw.
Isa sa pangunahing suliraning ating nararanasan sa ating online learning ay ang kakulangan sa gadyet, mahinang koneksyon sa internet, nagsasabay-sabay ang mga gawain na kailangang maisumite sa nakatakdang araw. Ngunit ang lahat ng ito ay ating binabalewala maipag-patuloy lamang ang ugnayan sa klase at maihayag ang kagustuhang malinang ang sarili sa pakikipag-komunika sa iba. Ang kabuuang aralin sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay nagbigay daan sa akin upang mas lalo ko pang itaguyod at patuloy na pag-aralan ang wikang Filipino o iba pang wika sa Pilipinas sapagkat ang mga wikang ito ay sariling atin.
- Angelei J. Frias
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Photo
Tumblr media
      Isa ang kursong ito sa mga bagay na hindi ko malilimutan dahil naging bahagi ito sa pagintindi ko sa mas malalim na kahulugan ng wika. Hindi ko inasahan na kahit tayo ay nasa ilalim ng pandemya at kasalukuyang nag-oonline class ay labis na matututo ako sa kursong ito. Natutunan ko ang mga bagay na hindi ko inakalang may tawag pala gay ng barayti at gamit ng wika sa lipunan. Napatanong din ako sa sarili ko kung ano nga ba ang kahulugan ng wika para sakin nang naatasan kami ng gawain ukol dito.
      Nalaman ko din na isa ako sa mga taong multilingual. Naituro din sa amin na ang mga paaralan dito ay sinusunod ang MTB-MLE alinsunod na din sa DepEd Order 16. Nasiyahan akong gawin ang Gawain 2.1 dahil natuto ako ng iba't-ibang salita mula sa aking mga kamag-anak at nakapag kwentuhan pa kami. Pinabilib din ako ng mga taong nasa likod ng pagkatatag ng Wikang filipino sapagkat sa dami ng napagdaanang proseso nito ay naitaguyod padin nila na maitatag ang wikang sinasalita natin ngayon. Kung hindi dahil sakanila ay hindi tayo magkakaroon ng wikang kinikilala at simbolo ng ating pagkakalilanlan bilang Pilipino.
      Pinaka naenjoy ko sa KOMPAN ang mga palaro ni maam na talaga namang nakakatuwa. Akala ko ay magtatapos ang semestre na hindi ako minsan man nananalo ngunit sa kabutihang palad ay nakamit namin ang panalo. Nang dahil sa kursong ito ay natuto ako ng mga salitang hindi ko pa naririnig at hindi ko alam ang kahulugan. Mas napalawak ng kursong ito ang aking bokabularya pagdating sa Filipino at sa Pilipinas mismo. Masaya akong naging bahagi ako ang kursong ito at nakausap ko ang isang gurong tulad ni Binibining Kat.
      Masasabi kong kinagiliwan ko ang kursong ito at gugustuhin kong balik-balikan ang mga alaala ko dito. Mahirap man sa umpisa ay nakayanan naming mga estudyante na sabayan ang agos ng buhay at tuluyan naming naabot ang final term. Wala mang kasiguraduhan na muli naming magiging guro si Binibining Kat ay aasa ako o di kaya'y kami na sa muli ay makagawa pa kami ng masasayang alaala. Natutunan ko na magiging madali lang ang isang kurso kung sisikapin kong tapusin ang lahat ng gawain at mag-aral mag isa para sa dagdag kaalaman. Isa lang ang naging tatak sa akin ng kursong ito, ito "sa KOMPAN ka lang hindi iiwan" dahil kasabay ng pagtanda ko ay bitbit ko ang mga turong ipinabaon sa amin ni Binibining Kat.
- ALLYSSA MAE A. GARCIA
0 notes
g1101hssblog · 3 years
Photo
Tumblr media
PADAYON 01-HUMSS 
MAGIGING SUCCESSFUL TAYO!!!
Una sa lahat gusto ko po magpasalamat sa magandang gurong nagturo at nagpaliwanag ng mga aralin sa kursong ito hindi ko po malilimutan ang isang gurong katulad ninyo. Marami akong natutunan sa kursong ito at mas nadagdagan ang aking kaalaman tungkol sa ating wika kung paano natin ito gamitin ng tama o mali pati na rin ang mga tamang tawag sa mga salitang ating ginagamit pang-araw-araw Bilang istudyante na nakaranas ng ganitong sistema ng "learning set-up (online/distance)" higit na kailangan ng tamang paggamit ng wika lalo kung tayo'y sasagot ng mga gawain o sasagot sa mga tanong ng ating guro sa "online class". itong kursong “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino” ay isa sa pinakagusto isa sa lagi kong inaabangan na klase siguro ay madami akong nautunan kaya sobrang komportable ko sa klase na ito.
Ang aking buong saloobin at karanasan sa learning set-up (online/distance) ay sobrang hirap alam naman nating lahat tayo ay ginagamay pa ang 'New Normal' kung mahirap sa mga guro ay mahirap din sa aming mga istudyante ang iba ay kulang sa gamit. Masaya ako sa semestre na ito na kahit saglit lang o minsanan lang pagkikita natin, masaya din ako sa mga kaklase kong nandyan palagi na handang tumulong at umintindi sa iba, masaya na medyo nahihirapan. naalala ko kapag tuwing may Synchronous Class ay talagang nakakasabik hindi dahil sa mga palaro o premyo kundi dahil sainyo at sa dagdag na kaalaman na talagang natututo kami kahit na paminsan-minsan lang, 
Ang mga pagsubok na narasanasan ko sa "learning set-up (online/distance)" ay mahinang signal at mabagal na internet o di kaya kulang sa gadget na gagamit kapag may klase minsan din ay may nasisira o di kaya ayaw gumana katulad ng camera o mikrophono kapag gagamitin minsan ay hindi talaga mainitidhan ang pinagaaral o ituturo dahil sa log o di kaya pawala wala ng internet connection o di kaya nawala ng signal o load.Para sa susunod na semestre sana hindi ganun kahirap sana'y ganito din kasiya kung ano ang narasanasan namin sa kursong “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino” talaga napakasaya, kagiliw-giliw at isa sa pahinga ko , Padayon 01-HUMSS magiging successful tayo kaya natin to!!! isa lang to sa simula ng ating karera paytinggggg!!!!!.
-RAMA, SAMANTHA JOANNE U.
0 notes